Huwebes, Abril 11, 2013

The Perfect Boss

The Perfect Boss

Isa ka lng bang hamak na empleyado? o medyo mataas na ang position mo? baka nman isa ka sa mga taga factory na lagi n lng may reklamo? di kaya lagi kang nasa labas ng opisina busy sa pagbebenta ng mga products nyo? or matindi pa dun.. nagtitimpla ka ba lagi ng kape? or isa sa mga nasa loob ng isang aquarium na laging nakaharap sa laptop at may kausap sa telepono? kung oo ang sagot mo sa huling tanong ko, naks nman!!! congratulations!! it means your now a boss. :D masaya ko para sayo.

PERO WAIT! alam mo ba kung anong klaseng boss ka?? or baka nman interesado kang malaman kung anong klaseng boss yung nasa loob ng aquarium jan sa office nyo. ready? game!

1. Feel na Feel
Syempre sya ang bida dito. Eto yung mga boss na hindi mo makakausap ng biglaan. Kailangan laging may appointment bago mo sya makausap. Yung kahit tipong magtatanong ka lng nman kung anong tatak ng damit nya eh kailangan mo pang magpaset ng appointment sa secretary nyang akala mo kung sino umasta. Papasok ng late sa office nyo at didiretso sa aquarium ng walang pnapakialaman at tnitgnan sa paligid. Minsan nakashades pa kaya akala mo tuloy natanggalan ng bubong yung office nyo. hehe. Pero in-fairness nman sa mga boss na ito,  masipag tlaga sila magtrabaho. Kaya lalong lumalaki ang company nyo dahil ang galing galing nya. keri lng na maging ganun sya kabusy kasi nman meron nman tlaga dahilan para maging busy.

2. Feeling Perfect
Eto naman yung mga boss na jolly jolly.. yung tipong kavibes lahat ng mga empleyado sa opisina. super sipag din nya saka tlagang laging tutok sa trabaho. pero kahit super dami nyang gagawin, hindi sya nag mamasungit sa mga empleyado nya at lagi pa ring nakangiti. WAIT! hindi sya perfect ah, "feeling perfect" lang. bket? kasi kahit na masipag sya at mabait sa mga empleyado, meron pa ring hindi maganda sa kanya. ano?? kasi FEELING PERFECT. Mali mali mga pinagsasasabi. kaya pala sya kavibes ng lahat ng mga empleayado kasi ginagawa syang clown. hahaha! minsan n nga lng sya mag english, mali mali pa ang grammar or mali mali pa ang pronunciation. Pero hindi nya alam yung ganun!! kasi nga, feeling nya eh perfect na syang boss. magaling, matalino, masipag, lahat na ng positive. at mahirap pa dun, hindi tumatanggap ng pagkakamali.

3. Wagas
Eto.. eto ang pnakaayaw kong boss sa lahat. Kamuka lang din sya ng mga "feel na feel" boss maliban n lng sa secretary. walang secretary ang mga "wagas" boss. sila lng ang nag schedule ng mga kaek-ekan nila sa buhay.. pero namamanage nman nila. bakit wagas? kasi ganto.. WAGAS silang magtrabaho. gusto nila sila lahat ang magtatrabaho ng lahat. gustong akuin ang lahat ng bagay at gawain. wagas sa sipag!! tapos pag nagalit naman, wagas din. WAGAS magalit. "Bakit di mo ginawa to??" "Bakit ngayon mo lng natapos to?" "Ang tagal tagal na nyan pero bakit hindi pa tapos?" "bakit mali ito?" "Naghihintay ka pa ba ng pasko para sa project mo n yan? Ang bagal mo!" take note: sinasabi pa nya yan sa napakalakas na boses na tipong mababasag ang mga salamin sa aquarium ng office. para syang nakalulon ng microphone nung grade school sya kaya ganun kalakas ang boses nya. Hindi mo tuloy alam kung pnaririnig ba nya sa ibang empleyado na pnapagalitan ka or talaga lng malakas ang boses nya. WAGAS magpahiya. pagnagkamali ka at sasabihin nyang mali ka.. feeling mo sa sarili mo ang shongers shongers mo na tipong wala ka ng mabuting magagawa for the rest of your life. parang mas okay pa kung manahimik kna lng sa ibang tabi.

4. Alien Boss
Eto yung mga boss na laging wala sa office. BOSS sya pero mukang ALIEN. minsan lng nasa opisina. as in super minsan lng. wala nman masyado detalye kay Alien Boss kasi nga alien sya. so wala masyadong negative or positive na masasabi sa kanya. Siguro ang concern nya yung mga status lng ng mga ginagawa ng mga empleyado.. ewan ko lng! dko alam. lagng wala sa office kaya di ko alam. :)

5. The Makan
Makan is the Malay term of eat. Obviously, eto yung mga boss na walang ginawa kungdi magpakain or manlibre. In other term, mahilig magmayabang! Maganda ang benta ng product, order ng food! May bagong client, order ng food! Naapprove ang project, order ng food! Hindi sya late, order ng food! Walang absent s mga empleyado, order ng food! Umuulan, order ng food! Umaaraw, order ng food! Nakakulay green syang polo, order ng food! May takong ang shoes nya, order ng food! lahat na!! Wala ng nagawa kakaisip ng kung anu-anong event.

6. Never Mind
Ang mga never mind boss ay ang kabaligtaran ng mga "The Makan", at ng "Feel na Feel". Wala silang pakialam sa lahat lahat. Sa trabaho man o kahit sa personal life ng mga empleyado. Hindi n nga gumagawa ng trabaho, hindi pa napapakinabangan. Yung kulang n lng eh wag na sila mag exist sa mundo para mas okay pa. Eto yung mga boss na kung tawagin ng karamihan eh "boss-abos". Tumatagal yung mga trabaho dahil sa kanya. Walang paki eh. So ako, wala ding paki sa kanya. k. bye!

7. Chill
Chill. Relax. Cool. Mellow. Boss na napakarelax. Bakit? eh pinapasa lahat ng trabaho sa mga empleyado eh. Kagalit ng mga "Chill" boss ang mga "Wagas" boss. Dahil ang mga chill boss gusto petiks lng sila. since mga empleyado nman na under sa kanya, gow lng.. wala syang gagawin at itambak lahat ng mga kailangang matapos sa mga empleyado. Kaya pag nalate sa deadline, ang sisi nasa mga empleyado.. wala sa boss. Pero cool nman sila sa mga empleyado kasi friendly. Tamad nga lng.

8. You Can Do It!
Ang mga "You Can Do it" Boss ay yung mga magaling makipagkaibigan pero hindi ganun kagaling sa (alam mo na.. mejo shongers ng konti). Kaya sya nakikipag kaibigan sa mga empleyado eh para may mapagtanungan sya ng MGA BAGAY NA HINDI NYA ALAM. Oh well, iba ang hindi nya alam sa hindi nya pnapakialamanan. sila ay ang mga Mangagamit na boss. tanong dito, tanong doon. kulang n lng kunin mo yung ginagawa nya at ikaw n lng ang magtapos nun para hindi kana mairita kakarinig s mga tanong nya na minsan nmna eh gagamitin lng ang common sense para masagot.

hhhhaaaaaayyyy... ang hirap mag isip ng mga boss na ewan! haha. meron ding mga boss na patapon ang buhay. yung kulang n lng eh magsaksak sya ng lalamunan. haha!

eto lng nman ang gusto kong sabhin.. sabi nila, wala daw perfect na tao..at malamang nito eh syempre wala din nmang perfect na boss. agree?? hindi man maganda ang pakikitungo ng boss mo sa yo, hindi nman ibig sabhin nun eh wawalangyain mo na sya. hayaan mo na ang karma ang gumawa ng kung ano man.. or should i say, gumanti para sayo. hayaan na lng natin ang mga boss na nakakainis at mga nakakabobo. wag na lng tayo basta maiinggit ha!!! dalawa lng pupuntahan nyan pag ganyan, either magiging katulad ka nya.. or higit ka pa sa kanya sa kasalbahihan. gusto mo ba ng ganun?? oh well, hanggang dito n lng. kung meron ka man boss na wala dyan, hayaan mo na! haha. idagdag mo n lng. :P

kalke!  ^_^